Maibabalik pa kaya ang dati?
Yung masaya lang tayo parati,
Away, bati, away, bati
Hanggang sa lumamig na at puro nalang puti,
Puti kasi wala akong maisip na tamang dahilan kung bakit di kana ngumingiti,
Di ko alam kasi wala kanamang sinasabi kahit konti.
Di ko lubos ma isip bat tayo umabot sa ganito,
Siguro ika'y na pagod na o dikaya'y ako,
Ang hirap naman kasing mang hula pag dating sayo,
Kasi nga baka tawagin mo naman akong feelingera/feelingero.
Pinilit kong wag pansinin, pero andun padin,
Mga malalamig mong sagot at wala nang diin,
Palagi kitang tinatanong pero yung sagot mo lang ay "wala busy lang ako kaya wag mo nang isipin"
Pano ko di iisipin kung ikaw ay mahalaga sa akin,
Ayoko lang isip na baka balng araw bigla ka nalang mawala sakin.
Kaya bes magsabi ka naman kung may problema ka,
Hindi yung gagawin mo kong manghuhula,
Kasi ang hirap manghula lalo na sa situation na ang gulo-gulo na,
Kaya sana pagkatiwalaan mo naman ako, at sabihin ang lahat ng nararamdaman mo,
Kasi pilit kong tatanggapin kung anu man ang sabihin mo,
Kasi nga mag kaibigan naman tayo,.
Aalis kana?, Oo nga pala aalis kana,
Pero alam ko naman babalik kapa.
Sa pag alis mo gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng mga kasalan ko,
Kung meron kamang di gusto sa pinapakita ko, o kaya sa mga sinasabi ko, o kaya sa mga ginagawa ko.
Patawad kasi ganito ako..
Pero kahit ganito ako gusto kong malaman mo na ginagawa ko to kasi importante ka sakin at di ko alam kung anung ginawa mo at ganito ako ka lalim.
Sabado, Marso 10, 2018
Tula#11
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)