Isa, dalawa,tatlo,
Ayoko nang mag laro,
Kasi hindi nato biro,
Mga nararamdaman ng aking puso.
Isa, isang beses mo palang na hawakan ang aking mga kamay, naka ramdam naku nang kakaibang taglay na nag pa bago sa aking buhay.
Dalawa, Dalawang beses mo lamang akong niyakap at dun ko na pag tanto na ang hirap na pala, ang hirap ng kumawala sa mga yakap mong kay sarap na palagi kong hinahanap.
Tatlo, tatlong beses kong sinubukang sabihin lahat ng aking mga lihim, pero palaging nabibitin at pinili nalang kinikimkim kasi nga natatakot na baka ako'y iyong sampalin.
Apat, lima, anim..
Lahat ng mga lihim,
Na aking kinikimkim,
Ay akin nang sasabihin,
Para hindi na maging sakim.
Apat, At eto yung hindi dapat, yung hinahayaan ko na mag pakatanga, para ika'y tumawa, okay lang pagtawanan mo ko basta't ika'y mapasaya.
Lima, mahigit limang buwan ko tong pinag isipan, kasi ako na palay nahihirapan, una palang alam ko naman yung ating kapalaran, na kahit kailan ay d kita kayang hagkan, at halikan. .
Anim, Anim na bote ng beer ang ininom ko at sa anim na bote na yun lumabas lahat ng aking mga lihim, lihim na ilang taon ko nang tinago pero kahit anong lalim pa ang mga sinasabi, patuloy kang nakinig at ako'y inintindi.
Pito, walo, siyam..
Dito tayo mag kakaalaman,
Kung anu ba talaga ang nilalaman,
Nang iyong nararamdaman,
Sana ako'y maging handa sa sagot mo na ngayon ko lang malalaman.
Pito, Huminto ang oras at namatay ang pitong pandama ko at biglang gumuho ang aking puso ng sabihin mong "mali ang lahat ng sa tingin mong totoo, wala akong nararamdaman na kahit ano, pero salamat kahit papaano minahal mo ako ng totoo."
Oo napakalaki kong bobo at sa mga oras na yun ay gusto ko nalang mag laho.
Walo, at wala na, tama na, ayoko na, Masarap mag mahal pero masakit pag hindi ito katangap tangap, kaya tatangapin na hangang pangarap nala lang talaga kita. At sa huli alam kong ito ay aking matatangap.
Siyam, siyamatamis mong mga ngiti ako'y ulit ay na kikiliti, at ilang ulit na binatukan ang sarili at muling na paisip na ito ay mali-maling mali, kailangan ko nang kalimutan ang mga sandali na ako'y iyong nabighani at napapangiti.
At heto na ang pang huli...
Sampu, Pero sana eto na yung huli, huli na umasa pang muli na ikaw magiging akin sa huli.
At tanging hinihiling ko lang na sa susunod na ako'y mahulog muli, sana sasaluhin na nang taong aking minimithi ang puso kong humihingi ng pag mamahal at karamay hanggang sa huli.
Linggo, Nobyembre 11, 2018
Tula#21
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento