Huwebes, Hunyo 8, 2017

Tula #1

"HANGGANG KAIBIGAN LANG BAH?"

Hanggang kaibigan lang ba talaga?
Hindi ko alam ba't tayo pinag tagpo,
Kung ang ating nararamdaman ay pilit na itinatago,
Mga nararamdaman na gustong gusto ko nang mag laho,
Iniisip ko na mag bago
Pero alam ko namang malabo,
Masakit man sa puso, kaya pilit kong ginawang bato, upang makayanan lahat ng mga ito.

Ngayon na di na kita nakikita,
Ako'y nagiging makata,
Dahil sabawat segundo,minuto at oras ay na iisip kita,
Sana'y hindi mo makita ang laman nang ang aking mga mata,
Dahil ayaw kung malaman mo na mahal kita dati pa,
At lalong lalo na ngayon na mimiss kita.
At sating muling pagkikita pipilitin kong pigilan ang aking sarili na hagkan ka.
Sapagka't ayaw kong mailang at magulat ka.

Nag seselos ako pag may kakulitan kang iba,
Nakikitawa ako pero ang puso ko'y lumuluha,
Kaya atensyon mo'y pilit na kinukuha,
Dahil gusto ko ako lang ang iyong nakikita,
Selfish man ako sa paningin ng iba,
Wala kong pake basta't andyan ka.

Dito na mag tatapos ang tulang to,
Pero hindi ang pag ibig ko sayo,
Pag ibig na pilit na tinatago,
Hanggang sa mag laho.
Dahil kahit hangang mag kaibigan lang tayo,
Lubos kong tatangapin na wala talagang tayo,
At sadyang kaibigan mo lang talaga ako.

                         WAKAS
✏✏✏📃✏✏✏📃✏✏✏📃✏✏
            


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento