"Umaga na sayo nag simula"
Magandang Umaga,
Ito ay napaka aga pa
Para ika'y mapasaya
Ewan ko kung ang tulang to ba ang mag bibigay saya sayong mga mata,
Pero aking susubukan kaya makinig ka.
Gusto kong makasama ka, hagkan ka, yakapin ka,
Pero gaya nga ng sabi ko napaka aga pa at di pa ko handa.
Sana'y maintindihan mo,
Mga nilalaman ng puso ko,
Kasi kahit ako, nalilito din kung anu ba talaga ito.
Alam ko naman yung totoo,
Na ako lang ang mahal mo,
Pero sana'y intindihin mo,
Na ikaw ay aking gusto, at ayaw kang mawala sa buhay ko.
Patawad kung ika'y aking nasaktan,
Kahit ang gusto mo lang ay ako'y alagaan,
Tanging magagawa ko lang ay hagkan,yang puso mong nahihirapan
Upang mawala lahat hinanakit at matakpan.
Hiling ko lang na sana'y ako'y hintayin,
Na sa huli ika'y aking pipiliin.
Kung dumating man ang araw na ika'y lumisan,
Maiiintindihan ko na walang pag aalinlangan,
Na ika'y na pagod na at kaylangan ng lumisan.
Dito nag tatapos ang tulang to,
Na sinulat ko para sayo
Lahat ng naka sulat dito ay totoo,
Kaya't basahin mo at ramdamin kung ano ba talaga ang nilalaman ng aking puso.
WAKAS
✏✏✏📃✏✏✏📃✏✏✏📃✏✏
Huwebes, Hunyo 8, 2017
Tula #2
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento