Biyernes, Hunyo 9, 2017

Tula #3

"PATAWAD"

Sana ako'y patawarin
Kung hindi ka kayang mahalin
Pagkat iba ang akin dalangin
Na sya ay maging akin
Kahit d man kayang abutin
Pilit na aangkinin
Kaya't sana ako'y intindihin
Sa kabaliwan kong sakim

Ikaw ang palaging kausap,
Pero iba ang kayakap
Ikaw ang palaging nandyan
Pero di ka dinadamayan
Alam kong mahal mo ko
Pero ikaw ay aking gusto
Pilit kong binabago
Tung nararamdaman ko para sayo
Kasi gusto ko na ako'y mapa sayo

Sinasabi ko to kasi ito yung nararapat
Kahit na ako'y d tapat
At para sayo ay d karapatdapat
Kung sakali man ika'y namulat
Sa lahat ng aking isinulat
Di naku magugulat
Kung ikaw ay aalis at makalimot
Kasi alam ko ika'y napagod na.

Kung sakali mang hindi talaga kita kayang mahalin
Sana ako'y iyong patawarin
Pagkat ang iyong damdamin
Ay higit na mahalaga para sakin


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento